<body background="http://i118.photobucket.com/albums/o98/wishix/flowerspot_black_bg2.jpg"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6518611953392391556?origin\x3dhttp://jillte.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>




Tuesday, April 24, 2007

kung nanalo ng 33M sa lotto si jill...
(na imposible kase di naman ako tumataya at di ako tataya ever)

sa isang episode ng ratedK, feature yung mama na nanalo ng 33MILLION sa lotto, tapos nawala lang in one year, dahil sa sugal, iba pang bisyo, at kung anu anong katangahan. so, ako naman, napaisip, kung ako kaya ang nanalo ng 33M, anu gagawin ko?

7M- hati parents ko. hehe.. naku, kumikita pa naman sila sa mga raket, este, business nila.. hehe.. kaya pwede na sa kanila yan.

6M- tig 3M si ati tay at chevy, ang aking ate at kapatid, respectively.

8M- for charity- orgs, foundations, schools, basta, pamimigay.

500,000- luho ko sa aking aim na magpaka-techie! bibili ako ng top of the line na laptop. ah wait, panu na si Chito? syempre di ko parin siya pamimigay. i-didisplay ko siya sa stante na parang.. figurine. bwahaha! tapos, bibili ako ng pinakasosyal na ipod, yung may pinaka astig na features at pinaka malaking memory. tapos digicam, yung pang professional, tapos isang pang travel. tapos, cell phone din. isa sa globe, isa sa smart, isang suncell, talk and text, tnt, mobiline, islacom..[haha! may ganun pa ba.].. basta, techie!!! kukumpletuhin ko ang N-series. ididisplay ko si mahal kong 6230i katabi ni Chito bilang.. figurine uli? haha loves it loves it!

3M- para sa aking education sa law school. kase, kahit pinapangarap ko ang peyups law school [malcolm hall oh malcolm hall.. pagbigyan mo na ko oh..] eh kamusta naman, 1-3% lang pumapasa dun. kaya, dapat may budget if ever para maitaguyod ko ang aking pangarap sa ibang eskwelahan.

so, magkano pa? hmm.. 33-(7+6+8+.5+3)= 33-24.5=8.5M
may 8.5M pa ko?

250,000- para sa leisure time with friends. bongga! haha..

150,000- para sa mga cats namin. polly, dog, and fat, you will never ever have to eat paksiw again! haha! everyday kase yun pinapakain namin sa kanila, pinagluluto sila ni atchi rose. tapos, paminsan, ayaw na nilang kainin kase nga naman, ikaw bang pakainin ng paksiw araw araw, sa 6 years kang nabubuhay, di ka ba magsasawa? kaya, yun.. whiskas, friskies, at kung anu ano pang catfood na sosyal ang papakain namin sa kanila. ipapa-groom pa namin.. ipagagawa ko sila ng bahay sa likod. eeeeh... iniisip ko pa lang kinikilig na ko! hehe..

100,000- books books books. :) or is that too much? ewan eh, feel ko lang. :)

750,000- travel fund namin, ikutin ang buong Pinas..

700,000- extra para sa travel, kung magkulang man. kung hindi, idagdag sa iba.

300,000- personal. basta kung anong ma-feel ko na gusto ko! magpapa-lipo ako! hahaha, ipasasara ko ang gateway for a day. wait, enough na ba 300,000? kung di, bawasan yung extra para sa travel.

so, may 6.250M pa ko..

500,000- pamimigay sa mga kamag-anak..

250,000
- bibigyan ng gifts ang ibang tao. basta, kung anu lang gusto nila, or, ewan, gifts for friends? hehe, pati liligawan ko na yung long time crush ko, siyempre milyonarya na ko, mag-iisip pa ba siya? hahaha!

so, 5.5? itatago ko na muna yun sa bank. o kaya i-i-invest. o diba! ang dami palang pwedeng gawin sa 33M! nakngpupu naman yung mamang yun! pano niya inubos yun in a year??? dapat di ko nalang ginawa to eh, na-imbyerna pa ko sa mamang yun.

ikaw na bumabasa nito, anung gagawin mo sa 33M? :)


4/24/2007 09:58:00 PM