warning! super mega long post! :D
noong nakaraang taon, o early this year ata, nabasa ko yung isang princess diaries book, di ko lang alam kung pang-ilan. basta, may part dun na iniisip talaga ni mia kung ano nga bang talento niya, para maging self-actualized siya. ako naman, naalala ko lang ngayon. so, dahil wala naman akong magawa, iisipin ko na lang kung ano nga ba ang talent ko. hmm.. isa isahin ko na lang. pag-awit? hahai jill, maawa ka. hehe. paminsan kapag nakamood ako, at may nagpeplay sa background, nagloloko ako na kinakantahan ko yung mga kasama ko, pero hanggang dun lang, kapag seryosohan na, ayayay. tago na tayo! hehe.. pag-sayaw? nakoww! aawit na ko ng birit songs and all, huwag mo lang akong pasayawin! hehe. pag-talumpati? isa pa to. simpleng reporting nga lang eh nanginginig na talaga ko at napapagalitan na ko sa prof kung bakit ba daw ang bilis bilis kong magsalita. hai. pagtugtog ng musical instrument? hmm. alam kong ninanais ng nanay ko na sumunod ako sa mga yapak ni cecile licad pero kahit 7 years ata kong nag pipiano lessons eh hindi talaga ko natuto ng maayos. i mean, meron naman akong alam itugtog. pamatay nga yung "mr.songwriter," "canon," at "harebell" ko, pero kung yung contemporary at ako pa yung magiisip at wala akong pyesa, ay, patay tayo jan! hehe.. kailangan ko na talagang tanggapin ka kahit anong aral kong magpiano at keyboard eh hindi talaga ako mageexcel. yung iba kase diba, hindi man naglessons pero ang galing galing, yun ang talent. wala naman akong ibang instruments na natry. gitara, drums, bass, hai. nada. hehe. hmm. ano pa bang pwedeng maging talent? pagsusulat? hindi eh, ang pagsusulat kase ginagawa ko lang kapag nakamood ako. kamusta naman english10 grade ko diba? dos? hehe. ayoko kase ng technical writing, gusto ko ako lang nagdidictate ng flow ng isusulat ko, wala ng iba pa. ayoko rin ng gegreydan yung ginawa ko, ewan ko ba. yung kung sa creative writing naman, wala rin. dos lang din ako dun. di ako marunong gumawa ng fiction stories, di ako poetic, usually opinion lang talaga kaya kong isulat, at by the mood pa yon. never pa kong nakasali sa isang school paper, press conference, o essay writing contest. ano pa bang pwedeng iconsider na talent? parang yun lang naiisip ko.. sa arts, di ako marunong magdrowing eh. hanggang pusa lang kaya kong idrowing, isang posisyon nga lang eh. o diba! hehe. hindi rin ako marunong magcross stitch, mag paint, o magsculpt (come to think of it, i've never tried, malay.. hmm.. haha!). naku. kung tutuusin, sa kakulangan (o kawalan actually) ko sa talent, eh dapat todo excell na ako academically, pero hindi rin eh. noong elem at first half ng highschool, may honors naman ako, pero halos sumasabit lang.. na hindi pa rin talaga matuturing ka-proud proud kase nga kung iisipin, sa kawalan ko ng talent eh dapat kumakaripas na sa taas ang mga grades ko. hehe. pano yan? ano na? hindi rin naman ako miss congeniality, maraming nagsasabi na masungit daw ako, na, totoo naman. mahina tolerance ko sa mga epal, maarte, at makulit. hehe. hindi rin naman ako exceptional physically. tulad sa acads, at best i'm just an average gal. hehe. pero, sa totoo lang, okay nako. atlis nasali naman ako sa mga songfest at mass demos nung elem at highschool, hindi naman ako nagkaroon ng bagsak sa card, take one lang naman math17 and math100 ko, 1.8 pa nga gwa ko sa second sem eh! may mga pamatay na mga awit parin naman akong alam itugtog sa piano, at kontento naman ako sa itsura ko, kahit pa kulot ako, may kalakihan at mata, hindi katangkaran, at may constant battle na imaintain ang weight ko sa two digits (na ngayong summer eh 3 digits na pare! at hindi naman dahil tumangkad ako, the increase was manifested horizontally. dyeta mode na dapat!). hehe. kahit masungit ako paminsan ay may mga kaibigan naman ako na tunay na maaasahan. oh, nag player din pala ako sa volleyball nung grade school, though sub lang. hehe. okay naman ako, baka dormant palang yung talent ko, nagtatago, madidiscover ko rin someday. malay niyo, may talent pala ko sa paguunicycle, o pag lunok ng espada, o pag-mamagic sa cards (nakanangsiopao naman jill! bakit puro pang perya naiisip mo!).. balitaan na lang kita pag nadiskubre ko na, kung sino ka mang nagbabasa nito. kung wala ka ring talent, aja sa tin! kung meron na, boo, shoo, layas. haha! joke lang. sa totoo lang, one doesn't really have to be exceptionally talented at something for her to help make the world a better place. sabi nga ni henry van dyke, "use what talents you posses: the woods would be very silent if no birds sang there except those that sang best." aja! :)